Ang Pagod na Puso

Ang Pagod na Puso. Sa isang kalagitnaan ng matahimik na gabi. Naghahanap ng ilaw para may masasabi. Ang mga pagod na paa ko sa pagsisisi. Sumigaw ang puso para man lang ako sayo'y itatabi. Isang mundo ng gulo kung saan ako nakatira. Maraming bagay ang nagtulak sa akin na huwag maniwala. Ang isang pulutong ng mga sitwasyon upang maunawaan ka. Pinilit ang sarili na manatiling mabuhay sa napakagulo mong lupa. Naghahanap ako ng isang tagapagligtas. Kaluluwa ko ngayo'y hirap sa ma dinanas. Bakit hindi mo subukang lumapit sa akin? ang pusong sumisigaw sana nama'y iyong dinggin. Sinubukan kong iwasan ang pagdurusa na ito. Gayunpaman, nararamdaman kong napakalayo mo. Sinubukan kong umabot sayo kahit papaano. Puno ng kalungkutan ang napapagod na puso. Asan ka kamahalan? Hayaan mong makita ko ngayon ang iyong kadangalan. at pagalingin ang nasirang puso na ito sa iyong kaluwalhatian. Ipaalam sa akin ngayon ang iyong katapatan.